Welcome to Roselyn's world

Home » Archives » 16. November 2009

"Broken Hearted" kuno…!!!!

November 16, 2009

Masakit ang masaktan at paglaruan,

Ng taong minahal mo na walang hanggan,

Ang sarili’y wag pabayaan,

Kung ikaw ay nabigo man.

Ibaling sa iba ang nararamdaman,

Sakaling ang sakit ay makalimutan,

Tingnan ang kapaligiran

May taong di ka pababayaan.

Masakit pala ang masaktan,

‘Yan ay ayaw kong maranasan.

 

Di kailangan sundin ang nararamdaman,

Kung alam mo naman na ika’y masasaktan lang.

Kaya ang nararamdaman ay pag-isipan,

Na ang puso ay di maparusahan.

Posted by ruzlinbloomers at 1:17 pm | permalink | Add comment